Travel ban sa Iran, Italy ipinatupad na rin vs. COVID-19 —Immigration

0
54

Nagpatupad na rin ng travel ban ang Pilipinas para sa mga bibiyahe mula sa mga bansang Iran at Italy na lubhang apektado ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Ito’y ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente ay bilang pagtalima na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos itaas sa Code Red Sub Level 2 ang alerto ng Pilipinas.

Ayon kay Morente, epektibo ang travel ban sa dalawang nabanggit na bansa epektibo alas-12 ng hatinggabi bukas, ika-16 ng Marso.

Kasunod nito, sinabi ng Immigration chief na ang lahat ng mga pasaherong dumarating sa Pilipinas mula sa Iran at Italy ay kailangang magpakita ng medical certificate at isasailalim sa mandatory 14-day quarantine.

Gayunman, nilinaw ni Morente na exempted naman sa travel restriction ang mga Pinoy na kasama ang dayuhang asawa at anak na may hawak na permanent resident visas at miyembro ng diplomatic corps.