Traslacion 2020 uulanin —PAGASA

0
36

Patuloy ang tradisyunal na ‘pahalik’ sa Poong Nazareno –sa kabila ng pag-ulan simula Martes ng gabi,ika-7 ng Enero, sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Ayon sa PAGASA, inaasahan ding uulanin ang ‘pahalik’ ngayong Miyerkules, ika-8 ng Enero.

Paalala rin sa publiko, bagamat mahihinang pag-ulan lamang ang mararanasan ay dapat na magbaon ng payong at pangangga sa ulan ang mga deboto na pupunta sa pahalik sa Quirino Grandstand ngayong araw.

Gayunman, mababa naman ang tiyansa ng pag-ulan sa araw ng Traslacion sa Huwebes, ika-9 ng Enero, ngunit maging handa sa malamig na panahon pagsapit pa lamang ng madaling araw.

Samantala, pinapayuhan naman ang Zamboanga City at Cagayan De Oro na magsasagawa ng sariling prusisyon na maging handa sa posibleng pag-ulan bukas ng tanghali o hapon.