Baguio City – Nagbigay ng palugit si Mayor Benjamin Magalong hingil sa experimental traffic scheme na hindi na kasama ang mga senior citizens mula sa Baguio City Number Coding Ordinance, na nag umpisa noong Nobyembre a 25, 2024, hangang Enero a 31, 2025, mula alas 9:00 ng umaga hangang alas tres y medya ng hapon.
Ang palugit ng experimental traffic scheme ay magbibigay pagkakataon sa lungsod upang makakuha ng mas comprehensibong datos at makakuha ng tumpak na tasahan at epekto ng exemption sa kalagayan ng takbo ng trapiko at ang paggalaw ng mga matatanda sa loob ng lungsod ng Baguio.
Ang naturang palugit ay magbibigay ng masusing pagsusuri at tiyakin na anumang pinal na desisyon ay makikinabang ang publiko. Ang mga sasakyan na nagdadala ng mga senior citizens o yong tinatawag na matatanda na naninirahan sa lungsod ng Baguio o nadadalhin sa isang klinika o ospital o lugar na pagtatrabahuhan ay maaring payagan na dumaan sa mga lugar o daanan na binubuo ng saklaw ng Number Coding Ordinance. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)
(Source: PIO Baguio)
