Town & Country Philippines nag-sorry sa pamilya ni ex-DENR sec Gina Lopez

0
44

Abot-abot ngayon ang paghingi ng paumanhin ng pamunuan ng lifestyle publication na Town and Country Philippines sa pamilya ni dating Environment Secretary Gina Lopez.

Ito’y makaraang mailathala ng nasabing magazine sa kanilang website na pumanaw na umano ang dating kalihim nang mapaulat na bigla na lamang umano itong bumagsak at isinugod ito sa ospital.

Una rito, mariing itinanggi ng ABS-CBN Foundation ang kumalat na impormasyon sa kanilang pinuno na si Lopez at nanindigang sila ang maglalabas ng anumang impormasyon hinggil ditto.

Magugunitang inamin na noon pa ni Lopez na may mga pinagdaraanan siyang health challenges sa buhay subalit hindi naman niya iyon idinetalye sa publiko.