Tony Labrusca ‘nag-move on’ sa mga kinasangkutang kontrobersya

0
56

Aminado si Tony Labrusca na nakapag-move on na siya sa mga isyung pinagdaanan niya noong isang taon.

Ayon kay Tony, nakaramdam siya ng takot na hindi na siya makabalik pa sa showbiz dahil sa mga kontroberysang kinasangkutan.

Nagsimula ito nang ireklamo siya ng isang Bureau of Immigration (BI) officer na binastos at sinigawan umano niya dahil 30 days lamang ang ibinigay sa kapamilya actor para makapagtrabaho sa bansa.

Una nang inihayag ng mga taga BI na hindi maaaring i-extend ang 30-day period na ibinigay kay Tony dahil wala siyang Philippine passport.

Sinundan pa ito ng posibilidad na maaaring hindi maisyuhan ng working permit ang aktor at ipadeport kung hindi maayos ang problema.

Kalaunan ay naayos naman ang ni Tony ang issue at ngayon ay kasama siya sa ABS-CBN primetime series na Sino ang may Sala?: Mea Culpa at Ang Babae sa Septic Tank 3.

Inamin din ng Kapamilya star na sadyang hindi maiiwasan sa buhay ng tao ang madapa o magkamali subalit nalalampasan naman ito kalauanan basta’t tatagan ang loob at magtiwala sa diyos.

—–