Alyas Bikoy representasyon ng fake news — Palasyo

0
47

Walang duda na reprensentasyon ng disinformation o fake news si Alyas Bikoy na nag-akusa sa ilang miyembro ng pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot umano sa illegal drugs trade.

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa gitna ng paghahanap at pagtukoy ng mga otoridad kay Bikoy at sino ang nasa likod nito.

Ayon kay Andanar, hindi lamang naging mukha ng disimpormasyon ang nagpakilalang Bikoy kundi naipakita rin nito kung gaano kalaking pinsala ang maaaring likhain ng maling impormasyon.

Dapat aniyang maging maingat ang bawat Pilipino sa ganitong uri ng disinformation campaign na tanging layunin ay sirain ang sinumang indibidwal.

with report from Jopel Pelenio (Patrol 17)
—–