Tiwala ng Pangulong Duterte kay Piñol buo pa rin—Palasyo

0
51

Nanindigan si Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na hindi siya magbibitiw sa puwesto.

Ito’y sa kabila ng mga panawagan ng ilang kongresista bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo at pagnipis ng supply ng bigas partikular sa ilang bahagi ng Mindanao.

Ayon kay Piñol, mag-re-resign lamang siya kung ipag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, inihayag naman ng Malacañang na walang plano si Pangulong Duterte na sibakin sa puwesto ang kalihim.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nananatili ang tiwala at kumpiyansa ng Punong Ehekutibo kay Piñol.

—-