32.7 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Davao: Tauhan Ng BuCor Arestado Matapos Barilin Ang Kanyang Kainuman Sa Panabo City

- Advertisement -

Davao del Norte- Arestado ang isang miyembro ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Brgy. San Pedro, Panabo City matapos niyang barilin ang kanyang kainuman noong Sabado, Nobyembre 20, 2021.

Ang suspek ay kinilala na si CSO2 Jose Ariel Dela Cruz, Bureau of Corrections personnel na nakatalaga sa Zone 1, Dapecol, Braulio Dujali, Davao del Norte.

Ayon sa ulat, nag-inuman ang magkaibigang suspek at biktima kasama ang iba pa nilang mga kaibigan sa isang resto sa Panabo City. Subalit, biglang nag-away ang dalawa at sinuntok ng suspek ang biktima sa mukha na kinilalang si Janelie P. Del Campo.

Matapos kumalma ang sitwasyon, nagpasiya silang umuwi mula sa resto lulan ang maliit na bangka. Pagkababa ng biktima kasama ang mga kaibigan nito, biglang binaril  ito ng suspek at nagtamo ng tama sa ulo.

Agad tumakas ang suspek sakay ng kanyang Suzuki Ciaz na may plate number LAC 8060.

Agad namang tumugon sa insedente ang mga awtoridad at naaresto ang suspek. Na-recover sa kanya ang isang fired cartridge, isang yunit ng glock 17 na may serial number na AANL 179 handgun 9mm at isang magazine na may 15 pirasong bala.

Ang biktima ay kasalukuyang nasa Davao Regional Medical Center (DRMC) sa Tagum City samantalang ang suspek ay nasa kustodiya na ng Panabo City Police Station.

(Source: PCADG Davao Region)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -