Taser planong gamitin ng PNP sa mga agresibong ECQ violators

0
28

Ikinokonsidera ng Philippine National Police (PNP) ang paggamit ng taser sa mga bayolenteng lumalabag sa enhanced community quarantine (ECQ).

Ito ay matapos na magkaroon ng pisikal na engkwentro ang mga pulis at mga sibilyan sa mga nakalipas na araw dahil sa umanoy pag labag ng mga ito sa quarantine protocols.

Ayon kay PNP chief General Archie Gamboa, pinag-aaralan na rin ng directorate of logistics kung anong klaseng taser ang dapat bilhin ng PNP.

Samantala, nagpahayag naman ng pagka-alarma ang United Nation High Commissioner for Human Rights sa paggamit ng pamahalaan ng Pilipinas ng excessive at lethal force upang maparusahan ang mga lumalabas sa quarantine.

Bilang tugon, tiniyak naman ni Gamboa na palaging bukas ang PNP sa anomang imbestigasyon kaugnay sa akusasyon ng paglabag sa karapatang pantao na nilabag umano ng kanilang mga tauhan.