Tariff incentive ng bansa ibinabalang babawiin ng EU dahil sa human rights violation sa Pinas

0
52

Nagbanta ang European Union (EU) na babawiin nila ang insentibong kanilang ibinigay sa pag-eexport o pagpapadala ng kalakal ng Pilipinas.

Ito ay matapos na mapaulat na patuloy na tumataas ang pang-aabuso sa karapatang pantao sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Dindo Manhit, pangulo ng Stratbase ADR Institute, ang pagbagsak ng merkado sa bansa ay magdudulot ng pagtaas ng unemployment rate na mauuwi naman sa mataas na antas ng kahirapan.

Sa isang pahayag, sinabi ng European Parliament  na rerepasuhin nila ang tariff incentive ng exportation sa bansa dahil mga human rights violation ngayon sa pilipinas.

Iginiit din ng E.U. na agad nilang aaksyunan ang isyu na ito.