Taas singil sa tubig ng Manila Water sa darating na Oktubre asahan

0
45

Asahan na ang P1.46 na taas singil sa tubig ng Manila Water ngayong Oktubre.

Ito ay matapos aprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang hirit na P6.50 per cubic meter na taas singil sa tubig ng Manila Water.

Batay sa desisyon ng MWSS Board of Directors, hahatiin ang inaprubahang taas singil sa loob ng limang taon.

Una nang inaprubahan ng MWSS ang hirit na halos animnapisong taas singil sa tubig ng Maynilad.

Iginiit naman ng MWSS na kinakailangan ng mga water concessionaires na pondohan ang mga proyekto nito para sa mas magandang serbisyo sa kani-kanilang mga consumers.