30.2 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Taas sahod ng mga nurse sa private hospitals isinulong ni Villar

- Advertisement -

Isinusulong sa senado ni Senator Cynthia Villar ang pagtatakda ng mataas na minimum wage para sa mga nurse sa mga pribadong ospital.

Sa inihaing Senate Bill number 1837 ni Senator Villar, inaatasan nito ang national wages and productivity commission ng Department of Labor and Employment (DOLE) na i-determina ang minimum wage para sa mga nurse na nasa private hospital.

Ipinapakonsidera sa minimum wage ang cost of living, lokasyon ng pribadong ospital, bed capacity nito at ang sweldo ng mga nurse sa mga ospital ng gobyerno.

Giit pa ni Villar, napakalaki at napakahalaga ng papel ng mga nurse dahil bukod sa pagod ay nasa panganib din ang kanilang kalusugan dahil sa kanilang trabaho lalo na ngayong pandemya.. Ngunit hindi aniya makatarungan ang mga sweldo nito.

Batay kasi sa report ng Bureau of Local Employment ng DOLE, ang entry level ng registered nurse sa mga pribadong ospital ay sumusweldo lamang ng 8,000-13,500 piso kada buwan.

Wala pa aniya ito sa kalahati ng basic salary ngayon ng mga nurse sa mga pagamutan ng gobyerno na naitaas na sa mahigit 32,500.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -