28.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Rice importation ‘itigil muna’ — Marcos

- Advertisement -

Hinihimok ni senadora Imee Marcos ang gobyerno na pansamantalang itigil ang importasyon ng bigas hanggang sa matapos ang anihan sa panahon ng tag-ulan sa Oktubre.

Ayon kay Marcos na siya ring Chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, ito ay upang makarekober ang mga magsasaka sa farmgate prices na idinikta ng mga rice traders.

Babala naman ng senadora na posibleng muling bumaba ang presyo ng palay mula sa kasalukuyang  12 – 15 na kada kilo at maging 7- 8 na lamang, gaya aniya ng nangyari noong nakaraang taon kung saan nagkaroon ng oversupply bunsod ng importasyon ng bigas kaya nahila pababa ang presyo.

Nababahala rin ang mga lokal na magsasaka gayung nagsimula nang mag export muli ang mga karatig na bansa matapos ang matamlay na pag angkat ng bigas bunsod ng COVID-19 pandemic.

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -