Suspect Sa Pagpatay Sa 12 Anyos Na Dalagita Sa Bayan Ng Nabua Cam.Sur, Sumuko Subalit Nang-Agaw Ng Baril, Napatay

0
255

Nabua, Camarines Sur – Sumuko na sa himpilan ng Nabua-PNP ang primary suspect sa pagchop-chop sa isang 12 anyos na dalagita na ilang araw ng nawawala subalit nang-agaw di-umano ng baril sa isang pulis kayat napilitan ang mga ito na siyang barilin na naging sanhi ng agarang kamatayan.

Subalit may nabuong pagdududa sa mga mamamayan, gayong kusang sumuko ang suspect bakit ito mang-aagaw ng baril kasunod ng katanungan kung ito nga ang tunay na suspect sa karumal dumal na krimen.

Magugunita na natagpuan ang putol-putol na bangkay ng biktima sa Trixia Mae Samson sa San Vicente-Bustrac Road matapos itong mawala simula noong August 4, 2021.

Dalawang suspect O person of interest ang tinutukan ng Nabua-PNP na ang isa ay masugid umanong na manliligaw ng dalagita at ang isa ay huling nakitang kasama ng biktima.

Si Mayor Madel Alfelor ng Iriga City ay nagpalabas na ng 100 libong pisong pabuya sa sino mang makakapagsabi sa kinaroroonan ng suspect O mga suspect.

Sa ngayon wala pang pinapalabas na opisyal na pahayag ang mga autoridad tungkol sa nangyari sa isang suspect na di pa pinapalabas kung sino at ngayon ay nakaratay sa isang funeral parlor sa nabanggit na bayan. (Melvin F. Barayoga, RPN DZKI Iriga OIC)

Leave a Reply