Suplay ng tubig sa angat dam sapat ngayong tag -init —NWRB

0
30

Sapat ang suplay ng tubig sa angat dam na ngayong tag-init hanggang sa pagpasok ng tag-ulan.

Ito ang tiniyak ni National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David Jr.

Ayon kay David, batay rin aniya sa pagtaya ng pagasa, inaasahang magiging normal ang panahon ngayong taon kung saan normal din ang pagpasok ng tag-ulan.

Hindi aniya ito magiging katulad noong nakaraang taon kung saan apektado ang bansa ng El Niño.

Dagdag ni David, mas mataas din ng mahigit tatlong metro ang lebel ng tubig sa angat dam sa kasalukuyan kumpara sa naging sukat nito sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.