Monday, May 6, 2024

Suplay ng dugo nasa critical level na —PRC

- Advertisement -

Inamin ng Philippine Red Cross (PRC) na malapit na sa critical level ang kanilang suplay ng dugo.

Ito ay bunsod ng maraming pangangailangan ng dugo dahil sa pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nasabay pa sa dengue season.

Dahil dito, nananawagan na ang Red Cross sa publiko na magdonate ng dugo.

Sinabi sa DWIZ ni Senador Richard Gordon, chairman ng PRC, na hwuag ipagkait ng publiko ang pagdodonate ng udo.

Sana aniya ay tumulong ang lahat upang hindi bumaba pa at magpatuloy ang suplay nito.

Sana tumulong ang mga tao sa [suplay ng] dugo, ayokong bumaba ang dugo,” ani Gordon sa panayam ng Ratsada Balita.

Ang lahat naman ng nais mag-donate ay inaanyayahang tumawag sa mga sumusunod na donor recruitment officers ng PRC:

Sa National Blood Center Tower ay hanapin lang si Nurse Niña sa numerong 0917-834-8276 at Nurse Jennica sa 0935-227-4842.

Habang sa National Blood Center Port Manila naman ay tawagan lang sina Nurse Jonathan at Thea sa numerong 0917-8033160.

Samantala, tiniyak naman ng PRC na ligtas magdonate ng dugo at mahigpit rin silang sumusunod sa safety protocols.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img