Sunog sa Bokawkan, Baguio City, nirespondehan ng Baguio City Fire Station

0
5
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Rumesponde ang mga bumbero ng Baguio City Fire Station sa isang sunog na nangyari sa silid imbakan o storage room ng isang establisemento sa kahabaan ng Bokawkan Road Septembre 29, 2024.

Ang tumugon na pangkat ng Baguio City Fire Station (BCFS) ay mula sa Camp Allen at Quirino Hill.

Ideneklara ni Ground Commander SFO4 Chesterboy Presco na apula na ang sunog ng 7:10 ng umaga. Iniimbestigahan kung ano ang sanhi ng sunog.

Samantala nagpasalamat si Mayor Benjamin Magalong kay FSupt Marisol Hernandez Odiver at sa bumubuo ng Baguio City Fire Station sa kanilang mabilis ng pagkilos upang mapatay ang sunog. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply