Special treatment kay Go sa filing ng COC itinanggi ng Palasyo

0
44

Itinanggi ng Malakanyang ang umano’y pagbibigay ng special treatment kay dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go nang maghain ito ng certificate of candidacy (COC) kahapon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, posibleng ikinagulat ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte para samahan si Go sa paghahain nito ng kandidatura.

Hindi lang aniya napaghandaan ng COMELEC ang pagtungo ng pangulo at hindi napigilan ang pagsama sa loob ng tanggapan maging ang mga suppoters ni Go.

Iginiit pa ni Panelo, sinunod ni Go ang patakaran ng COMELEC sa paghahain ng COC dahil apat lamang ang kasama nito kabilang ang pangulo at tatlo pang miyembro ng gabinete.