SP Sotto: Nationwide mass testing muna bago GCQ

0
21

Nais ni Senate President Vicente Sotto III na dapat magsagawa muna ng mass testing sa buong bansa bago ideklara ang general community quarantine (GCQ).

Paliwanag ni Sotto, sa ilalim kasi ng GCQ, nasa milyon ang manggagawa na papayagang bumalik sa kani-kanilang mga trabaho kahit na mataas pa ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Metro Manila.

Ipinapangamba ni Sotto na maaaring mangyari sa Metro Manila ang naging kaso ng 20 empleyado sa Senado na nagpositibo sa rapid test matapos silang magtrabaho noong magsimula ang sesyon nakaraang linggo.

Aniya, sumunod naman ang mga ito sa protocols, nanatili sa tahanan sa loob ng dalawang buwan at walang sintomas ngunit nagpositibo parin sa sakit.

Dagdag pa ni Sotto na mas maaaring lumala pa dito ang mangyari sa bansa oras na alisin na nag ECQ.

Samantala, umaasa naman si Sotto na magiging eye opener ito sa gobyerno at maging sa mga nagsusulong ng mag-relax sa quarantine rules kahit na mataas parin ang kaso ng COVID-19 sa bansa.