SP Sotto isinumite ang panukalang batas na naghahangad na mapuksa ang online piracy

0
65

Nagsumite si Senate President Vicente Sotto III ng panukalang batas na nanghahangad na mapuksa ang online piracy.

Binibigyang pahintulot ng Senate Bill 2109 ang Intellectual Property Office (IPO) sa pamamagitan ng National Telecommunications Commission (NTC) na ikansela ang lisensya ng mga internet service providers na pinapayagang manghimasok ang mga website o ang pagsasagawa ng copyright infringement para matigil na ang online piracy.

Sinabi ni Sotto na patuloy na nagiging pugad ng mga cyber criminals ang Pilipinas at tungkulin ng estado na protektahan ang mga orihinal na likha ng mga Pilipino.