Sotto tiwala na iveveto ng Pangulong Duterte ang P75-B sa 2019 budget

0
48

Tiwala si Senate President Vicente Sotto III na iveveto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P75 billion natukoy nilang ginalaw na pondo sa 2019 national budget.

Ito’y ayon kay Sotto, matapos aniyang hingin sa kanya ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang listahan ng nasabing ginalaw na pondo.

Sinabi ni Sotto, nakatitiyak siyang pag-aaralang mabuti ito ng Malakanyang lalo’t kanya nang binigyang diin sa ipinadalang sulat kay Pangulong Duterte na unconstitutional ang nasabing P75 billion sa national budget.

“Kasi wala naman akong power to veto di ba? Kaya kailangan i-submit na namin yan tapos ibigay na namin ‘yun pinirmahan ko na. But yung pirma ko kitang kita naman na mayroon akong annotation at yung annotation nakakabit yung aming explanation sa presidente. Atsaka siyempre may mga peronal kaming usapan at alam na nila. So ang mangyayari diyan, huwag silang mag-alala para ito sa iba baka sabihin baka maapektuhan pag vineto ng presidente. Pag vineto ng presidente ‘yun ang ibig sabihin lang doon sa mga party na vineto na hindi pwedeng galawin pero andun pa rin yun.” Pahayag ni Senate President Sotto.

Interview from Usapang Senado