Sitwasyon ng daloy ng trapiko, normal pa rin — Pialago

0
25

Normal pa rin ang daloy ng trapiko kahit may tigil pasada kahapon.

Ipinagmalaki ito ng MMDA kasunod nang idineploy na maraming bus sa ilang strategic areas sa Metro Manila.

Sinabi ni MMDA Spokersperson Celine Pialago na alas otso y media pa lamang ng umaga ay na normalize na nila ang sitwasyon ng daloy ng trapiko sa busy areas tulad ng Philcoa sa Quezon City, Monumento, North Edsa at STI Taguig.

24 oras aniyang nagbyahe ang pinakalat nilang city buses pa Cubao hanggang Makati City, Cubao hanggang Santolan at iba pang ruta.

Ayon pa kay Pialago mahigpit din ang pakikipag-ugnayan nila sa Local Government Units (LGU) na nag-aalok ng libreng sakay sa mga pasahero gamit ang mga ambulansya at government vehicles.