30.6 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Kawalan ng pangil ng Hazing law dahilan sa pagtaas ng kaso ng hazing sa bansa —Garbin

- Advertisement -

Tiwala si Ako Bicol Rep. Alfred Garbin Jr. na ang kawalan ng pangil ng batas ang dahilan kaya’t patuloy pa ring dumarami ang kaso ng hazing sa bansa.

Ayon kay Garbin, para mapigilan ang paggawa ng karumal-dumal na krimen ay kailangang arestuhin, kasuhan, at tuluyan nang makulong ang sinumang masasangkot sa hazing.

Aniya, kung hindi magiging mahigpit ang mga otoridad ay walang magiging epekto anuman ang ipatupad na batas sa bansa.

Paliwanag ni Garbin, dapat kasi na may ma-parusahan upang matakot at tumigil na ang mga kriminal na ‘tila hindi na takot sa batas.

Nilinaw rin ni Garbin na sa ilalim kasi ng R.A. 8049 o ang Anti-Hazing Act, pinapayagan nito ang initiation rites subalit anumang aktibidad na nagresulta sa physical o psychological na pananakit ay maituturing ng hazing at may karampatang parusa sa ilalim nito.

Sa ilalim ng batas, kapag ang hazing ay nagresulta sa pagkamatay ay may kaparusahan ito na habambuhay na pagkakakulong, at multang P1M.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -