Sison may reaksyon ukol sa inialok na P2-M na pabuya ni Duterte

0
18

Pilit na itinatago ni Pang. Rodrigo Duterte ang kaniyang kapalpakan sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic na kinahaharap ng bansa.

Ito ang naging reaksyon ni CPP-NPA Founding Chairman Jose Maria Sison matapos na mag-alok ng P2-M pabuya ang Pangulo sa sinumang makapapatay o makapagbibigay impormasyon tungkol sa mga NPA commanders.

Aniya, mistula kasing inililihis ng Pangulo ang totoong isyu sa kaniyang naging hakbang dahil bigo itong matugunan ng maayos ang krisis sa bansa.

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), nasa 11,000 na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, kung saan 2,000 na ang bilang ng mga nakarekober habang 700 naman ang bilang ng mga nasawi.

Sa ngayon, nasa 158,000 na naman ang naisailalim ng pamahalaan sa COVID-19 tests mula sa 108-M na kabuuang populasyon sa bansa.