Nakaalis na patungong The Netherlands si Senador Antonio Trillanes IV.
Pasado alas-1:00 kaninang madaling araw nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Trillanes kasama ang kanyang mga abogado para sa nakatakda nitong biyahe palabas ng bansa.
JUST IN: Senator Antonio Trillanes IV, pinayagang makalabas ng bansa ngayong umaga patungong Netherlands | via @raoulesperas pic.twitter.com/BIaJwAsru6
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 11, 2018
Halos isang oras din nanatili si trillanes sa tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA kung saan sinuri ang dala niyang kopya ng kautusan mula sa Makati Regional Trial Court na nagbibigay pahintulot sa kanya para makabiyahe sa labas ng bansa.
Batay sa nasabing court order, nakatakda ang pagbabalik sa bansa ni Trillanes sa Enero 12 ng susunod na taon.
Magugunitang nakabinbin pa sa Makati RTC Branch 150 ang binuhay na kasong rebelyon laban kay Trillanes habang nahaharap din ito sa kasong libelo sa Davao City RTC.
(Ulat ni Raoul Esperas)