Sen. Dela Rosa nakasailalim sa self quarantine

0
19

Pinabulaanan ni Marianne Kristel Dela Rosa, anak ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na naglaho ang kanyang ama sa kabila ng pagharap ng bansa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa pahayag nito, ikinandado aniya ang kanilang ama sa kwarto nito para hindi makalabas ng bahay matapos na ma-exposed ang Senador sa mga kapwa nito mambabatas na nagpositibo sa virus.

Dagdag pa nito na makailang beses nang sinubukan ng Senador na tumakas at makaalis ng bahay.

Magugunitang nag-trend online ang hashtag na ‘nasaan si Bato’ na kumukwestyon sa pagkawala ng Senador sa kabila ng krisis ng bansa dahil sa COVID-19.

Samantala, dipensa ni Marianne patuloy aniya ang pagganap ng Senador sa kanyang pinanumpaang tungkulin habang ito’y naka self-isolate sa bahay.

Sa panulat ni Ace Cruz.