Sen. Binay dismayado rin kay Duque, hinimok na mag ‘soul searching’

0
11

Hinimok ni Sen. Nancy Binay si Health Sec. Francisco Duque III na mag “soul searching”.

Ito’y kasunod ng pagpapahayag ni Sen. Panfilo Lacson ng kaniyang pagkadismya na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin sinisibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Duque sa kaniyang pwesto.

Gayunman sinabi ni Binay na sa huli ay desisyon pa rin ng Pangulo kung mananatili o papalitan na si Duque bilang kalihim ng DOH ngunit aniya mainam kung magiisip-isip na rin ang opisyal kung talagang kaya nito gampanan ang kaniyang trabaho.