Seguridad sa Taal lake hinigpitan ng PCG

0
11

Hinigpitan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang seguridad sa Taal lake sa pangamba ng mas lalo pang mapanganib na pagsabog ng bulkang Taal.

Ayon kay PCG district commander Commodore Leovigildo Panopio, kailangan matiyak na wala ng mga residente ang babalik pa sa naturang lugar.

May mga ilan pa kasi aniyang nagtatangkang balikan ang kanilang tahanan para tingnan o subukang sagipin ang kanilang mga kabuhayan gaya ng mga alagang hayop.