Seguridad sa mga mall sa bansa pinasisilip

0
35

Pinasisilip ni ACT-CIS party-list Representative Niña Taduran sa Kamara ang seguridad na ipinatutupad ng mga mall sa bansa.

Ito ay matapos mabiktima ng ‘basag-kotse’ gang si Taduran sa SM Centerpoint.

Sinabi ni Taduran na nakalulungkot na walang CCTV camera at walang roving guards ang isang malaking mall tulad ng SM.

Malaking tulong aniya ang CCTV camera para makita kung may krimeng nangyayari sa mga parking lot

Ayon pa kay Taduran, anti-consumer at self-serving ang polisiya ng mall na wala itong pananagutan sakaling may mawalang gamit sa mga nakapark na sasakyan sa kanila, gayung nagbabayad ng maayos ang consumers sa kanila.