Seguridad ngayong bisperas ng Pasko mas pinaigting pa sa Maynila

    0
    19

    Mas lalo pang pinag-igting ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila ang ipatutupad na seguridad sa lungsod ngayong bisperas ng Pasko.

    Ito ay sa gitna ng pagdagsa ng mga mamimili sa Divisoria Market at iba pang mga pamilihan sa Manila, at ang mabigat na daloy ng trapiko sa lungsod.

    Ayon kay Manila City Administrator Felixberto Espiritu, pinayagan nilang magbenta ang mga nagtitinda sa ilang mga kalsada ngunit naman sa mga pangunahing kalsada.

    Kaugnay nito, sinabi rin ni Espiritu na naka-heighted alert na ang mga pulis upang maprotektahan ang publiko.