33.3 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

SDS Mario Bermudez Kinumpirma Ang Gagawing Financial Literacy Program Sa DepEd Gensan

- Advertisement -

Kinumpirma ni Dep Ed Gensan Schools Division Superentindent Mario Bermudez ang kanilang planong isailalim sa financial literacy program ang lahat ng mga guro ng Dep Ed Gensan. Ayon kay Bermudez malaking tulong ito para sa mga guro na dumaan sa kanilang hindi mabuting karanasan sa pag iinvest. Dagdag pa ni Bermudez na nakita nila ang mga naidulot na mabuti ng mga investment schemes sa mga teachers ng Dep Ed Gensan dahil kung dati  napakarami ng mga gurong nag sasangla ng kanilang mga ATM ay naibsan diumano ito sa pagpasok ng KAPA. Pero malaking pagkakamali diumano na umasang pangmatagalan ang dulot na kabutihan nito. Dagdag pa ni Bermudez na naka kita na sila ng kanilang mga outsource partners para magsagawa ng nasabing programa. Pina alalahanan na lamang nito ang mga guro na mag move on na at wag padadala sa mga matatamis na salita ng sinumang mag offer sa kanila ng mga investments. Gaganapin ang nasabing programa sa mas lalong madaling panahon pagkatapos nilang maihanda ang mga kakailanganin.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -