Monday, May 6, 2024

Kapitan ng bangkang pangisda ng Pinoy kumambiyo sa kanyang salaysay

- Advertisement -

Biglang pumihit ang kapitan ng bangkang pangisdang nabangga at pinalubog ng barko ng China sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Ito ay matapos ang pakikipagpulong ni Agriculture sec. Manny Piñol sa 22 mangingsidang sakay ng M/V Gem-Vir 1.

Kung dati ay sigurado si Junel Insigne na sadyang binangga ng barko ng China ang kanilang bangka, sinabi ngayon ng kapitan na hindi na siya nakatitiyak sa nangyari.

Ngunit malinaw aniya ang ginawang pag abandona sa kanila ng crew ng barko ng China.

Naguguluhan po ako dahil, ano po, e, pag ano kop o ‘di kop o naano kung talagang bangga na po, e. Kasi po ano, siya po nakakita. Sama ng loob ko sa kanila dahil iniwan po kami,” ani Insigne.

Samantala, nag-sorry naman si Insigne kay Pangulong Rodrigo Duterte  kasunod ng pagtanggi niya sa imbitasyon ng Malacañang na magkita sila ng pangulo.

Ayon kay Insigne, nagkamali siya ng interpretasyon sa imbitasyon na galing pala kay Secretary Piñol at hindi sa Malacañang.

Humihingi po ako ng paumanhin sa ating mahal na presidente na hindi pop ala ako pinatawag, kun’di po si secretary Piñol po ang nagpatawag sa akin. Hindi po ako tumuloy, umatras po ako dahil masama po ‘yung pakiramdam ko. ‘Yun nga po humihiling po ako sa ating mahal na sana po maano po ‘ynug bumangga sa ‘min na ‘yung kapitan po, gusto ko pong mapanagot po, ‘yung kapitan po. ‘Yun lang po ang hiling ko sa ating mahal na president,” dagdag pa ni Insigne.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img