SC tiwala na marami pa ang mapapalayang inmates sa gitna ng COVID-19 outbreak

0
21

Tiwala ang Korte Suprema na marami pa ang mapapalayang inmates ngayong nahaharap ang bansa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Kasunod na ito ito nang pag kumpirma ng high tribunal hinggil sa halos 10,000 nauna nang pinalayang bilanggo sa panahon nang pag iral ng enhanced community quarantine (ECQ).

Batay sa record ng office of the court administrator nasa kabuuang 9,231 Persons Deprived of Liberty ang napalaya mula Marso 17 hanggang Abrril 29.

Una nang nagpalabas ng administrative circular si Chief Justice Diosdado Peralta hinggil sa pagpapababa ng piyansa at recognizance sa mahihirap na pdl’s subalit hindi kasama rito ang convicted PDL’s.