Rescue ops sa mga apektadong residente sa Taal tiniyak —mayor

0
9

Tiniyak ni Mayor Pong Mercado ng Taal, Batangas ang pag-rescue sa mga residenteng humihingi ng tulong matapos ang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Sinabi ni Mercado na mahigit 300 tawag na ang tinanggap nila sa kanilang hotline na 0945-419-3210 para masagip ang mga apektadong residente, kaya’t nanghiram na sila ng 14 na sasakyan mula sa Maynila para tumulong sa rescue operations.

Maraming residente naman na ng Taal ang nasa Batangas Sports Complex sa Batangas City.