Quo warranto petition vs. ABS-CBN isasalang sa SC

0
14

Isasalang na sa en banc session ng Korte Suprema ang quo warranto petition laban sa ABS-CBN.

Inaasahang napag-aralan na ng Supreme Court (SC) ang petisyon na inihain ng Office of the Solicitor General (OSG) at ang kasagutan dito ng ABS-CBN.

Sa kabila ito ng naunang pahayag ng SC na hindi nito tatanggapin ang anumang kaso kung may factual issues na dapat patunayan kahit pa may mahahalagang usaping nakapaloob sa petisyon.