QC gov’t mahigpit na nakikipag-ugnayan sa DOH kaugnay sa bagong polio case

0
19

Mahigpit nang nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa Department of Health (DOH) matapos makumpirma ang kauna-unahang kaso ng polio sa lungsod.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, inaalam na nila sa DOH kung ano ang kinakailangang maging susunod nilang hakbang.

Ito ay makaraan aniya nilang mapag-alaman na nakatanggap ng kumpletong limang dose ng anti-polio vaccine ang nagkasakit na bata mula sa Barangay Batasan Hills.

Sinabi ni Belmonte, tatlo sa mga bakuna ang naibigay sa bata noong sanggol pa lamang ito habang dalawang beses din itong nabigyan sa ‘Sabayang Pagpatak’ campaign ng DOH noong nakaraang taon.

I would also like to assure the public that we, in Quezon City, are not pretending to be experts in this area and we are closely coordinating with the DOH as to the next steps that we should take with regards to this issue,” ani Belmonte.

Samantala, umaasa naman si Belmonte na maituturing na lamang ang kaso bilang isolated at hindi na ito kumalat pa. —sa panayam ng Ratsada Balita