Produktong petrolyo muling tumaas sa ika-7 sunod na linggo

0
48

Muling inilarga ng mga kumpanya ng langis sa ika-pitong sunod na linggo ang price increase sa kanilang mga produkto.

Epektibo mamayang ala sais ipatutupad ng Petron, Jetti, Unioil, Phoenix, Total, Shell, Petro Gazz, Flying V, Ptt Philippines at Seaoil ang dagdag 40 sentimos sa kada litro ng gasolina;

20 sentimos sa kada litro ng diesel at 15 sentimos sa kada litro ng kerosene o gaas.

Ang panibagong price adjustment ay bunsod pa rin ng paggalaw ng presyo ng oil products sa international market.