29.9 C
Manila
Tuesday, March 19, 2024

PRO-12 tumanggap katangi-tanging pagkilala sa 117th Police Service Anniversary

- Advertisement -

Most Honorable/ Notable Accomplishment in the campaign against terrorism, ito ang parangal na iginawad sa Police Regional Office XII sa katatapos na 117th Police Service Anniversary Celebration na ginanap sa Camp Rafael T. Crame, PNP National Headquarter sa Quezon City kahapon ng hapon Agosto 8, 2018.

Sa pangunguna ni Pang. Rodrigo Duterte, kasama si PNP Chief Director General Oscar David Albayalde, at DILG Secretary Eduardo M Año ibinigay ang nasabing pagkilala kay PCSupt Marcelo C Morales, Regional Director ng PRO12.

Ayon sa pahayag ng opisyal, ikinagagalak niya ang pagtanggap sa karangalan, at isa itong malaking inspirasyon na maaaring pagkunan ng motibasyon sa PRO 12 upang mas higit pang maisagawa at mapagtagumpayang makamit ang hangarin na ipinagkatiwala sa kanila.

Ang terorismo ay nagiging pangunahing banta sa kapayapaan at kaayusan sa Rehiyon 12 at bilang isang patunay ng walang tigil na pagsisikap nito sa pagsugpo sa kriminalidad at terorismo na maaaring pumatay ng mga inosente, kamakailan lamang, ang PRO 12 ay nakapag-neutralisa kay Najib Calimba Pundug alias Najib Hussein na isang eksperto sa paggawa ng Improvised Explosive Device (IED) / bomber ng Maute Group mula noong 2015.

Hindi lamang isa kundi dalawang parangal. Sa taong ito, ang natanggap ng PRO12 ito ay Most Honorable/ Notable Accomplishment in the campaign against terrorism at Best Regional Mobile Force Battalion sa buong bansa.

Tunay nga na ang galing ng RMFB 12 dahil ito na ang kanilang ika-dalawang beses na taon na makatanggap ng pagkilala na tinanggap ni PSupt Maximo F Sebastian, na kasalukuyang Commander Force ng Regional Mobile Force Battalion 12.

Ang RMFB 12 ay nasa ilalim ng direktang pangangasiwa ng PCSupt Morales na nangunguna sa lahat ng manhunt intensified operation laban sa criminal at anti terroism operation kung saan ang PRO 12 ang nanguna sa listahan na nakakuha ng pinakamaraming bilang ng naarestong top ten most wanted person sa buong bansa ngayong taon.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -