Pritil Market dinagsa matapos ang hard lockdown sa Tondo District 1

0
12

Dinagsa ng mga mamimili ang Pritil Market matapos ang ipinatupad na hard lockdown ng Manila City local government unit sa Tondo District 1 sa loob ng dalawang araw.

Maaga pa lamang ay mahaba na ang pila ng mga residenteng nais mamili sa nabanggit na palengke.

Tuloy-tuloy naman ang paalala ng mga awtoridad hinggil sa physical distancing at pagsusuot ng face mask ng mga tao.

Isinasailalim rin sa temperature check ang mga mamimili habang hindi naman pinapapasok sa Pritil Market ang mga walang dalang quarantine pass.