Pre-registration para sa National ID pangungunahan ng DILG

0
60

Target ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mabigyan ng pamahalaan ng National ID ang mayorya ng mga Pilipino pagsapit ng taong 2022.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, kanila nang isasagawa ang pre-registration sa pagbibigay ng National ID upang maiwasan ang mass gathering at face-to-face contact lalo na ngayong may banta ng COVID-19.

Aniya, layon ng National ID na magkaroon ang lahat ng Pilipino ng valid proof of identification at hindi na magkaroon pa ng napakaraming ID dahil alinsunod sa National ID system pag-iisahin na lamang ang lahat ng government ID’s.

Kasama naman sa ilalagay sa ID ang Philippine Identification System Number (PhilSys) buong pangalan, facial image, kasarian, petsa ng kapanganakan, blood type, at address.