Posibleng iregularidad sa singil sa Beep cards pinasisilip ni Duterte

0
22

Pinasisilip na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kasunduang pinasok ng pamahalaan at AF Payments Inc. kaugnay sa produksyon ng mga Beep cards na ginagamit sa Light Rail Transit (LRT) at Manila Metro Rail  (MRT).

Ito ay matapos na tumaas ang presyo ng mga Beep cards, na mariin namang itinanggi ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, makakasiguro ang publiko na matutuklasan at isasapubliko ni Pangulong Duterte ang mga ilegal at labag sa batas na kontrata noon ng pamahalaan. —ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)