Baguio City – Ang Baguio City Public Order and Safety Division (POSD) Tangerine Team, sa pangunguna ni Hepe Daryll Kim Longid at ng kanyang kahaliling hepe na si Allan Faustino, ang nagsagawa ng imbentaryo sa mahigit sa P100,000 halaga ng Electronic Nicotine Delivery Systems (ENDS), na mas kilala bilang vapes.
Ang mga produkto ng vape ay illegal nakadisplay sa isang computer shop na madalas na binibisita ng mag aaral na estudyante mula sa high school sa kalapit na paaralan.
Ang naturang vape products ay isang panganib sa kalusugan ng mga kabataan. Ang naturang pangkat ay nakasamsam ng vape products bilang bahagi na labanan at pagbebenta at ang pamamahagi sa ipinagbabawal na produkto sa lungsod ng Baguio. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)
(Source: PIO-Baguio)
