PNP may bagong kinasang rigodon sa ilang opisyales

0
41

Muling nagkasa ng bagong rigodon sa hanay ng ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Binigyang diin ni PNP Spokesman Senior Supt. Benigno Durana na nais ng PNP na mailagay sa mga tamang tao sa bawat posisyon.

Kabilang sa mga itinalaga sa bagong puwesto epektibo kahapon sina Chief Supt. Gilberto DC Cruz na itinalagang bagong Police Region 13 Director. Chief Supt. Noli Romana na ngayo’y deputy ng Directorate for Integrated Police Operations ng Eastern Mindanao.

Epektibo naman ngayong araw na ito ang appointments nina Chief Supt. Emmanuel Luis Licup bilang Police Region 9 Director, Chief Supt. Tomas Polinario Jr., bilang Police Region 4B director at Senior Supt. Eliseo DC Cruz bilang district director ng Southern Police District.