PNP igagalang ang naging hatol ng korte laban sa 3 pulis na akusado sa pagpatay kay Kian

0
43

Iginagalang ng pambansang pulisya ang naging hatol ng korte laban sa tatlo nilang tauhan na akusado sa pagpatay kay Kian Loyd delos Santos.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesman C/Supt. Benigno Durana, walang kinalaman ang kanilang drug war sa pagpatay ng tatlo kay delos Santos at patunay lang nito na umiiral ang sistema ng katarungan sa bansa.

Kasabay nito, pinaalalahanan ni Durana ang mga pulis na maging maingat sa pagsasagawa ng anumang operasyon at laging isaalang-alang ang rule of law gayundin ang due process at paggalang sa karapatang pantao.

Pagtitiyak naman ng PNP, hindi titigil at hindi rin sila patitinag sa kanilang mga operasyon kontra iligal na droga dahil sa kaso ni Kian.