Plebisito sa pagbabago ang Charter ng lungsod ng Baguio pag-aaralan

0
17

(Baguio City) Konsehal Jose Molintas nanawagan na magsagawa ng pampublikong pagsangguni at plebisito upang mapabago ang Charter ng lungsod ng Baguio. Ito ang panawagan ni Konsehal Molintas sa kanyang mga kasamahan sa konseho ng Lungsod.

Ito ay kasabay ng pagtalakay ng lokal na konseho upang pag usapan ang Revised Charter ng lungsod ng Baguio o ang matatawag na Republic Act 11689. Sa nasabing pagtalakay, binigyang diin niya na may problema ang nasabing batas.

Naniniwala ang nasabing mambabatas ang nasabing batas ay maaring tignan ng Kamara at ng Senado upang makapagsagawa ng pampublikong pagsangguni pati na rin ang pagbabago ng Charter ng lungsod ng Baguio. Sinabi ni konsehal Molintas, napansin niya na karamihan sa mga probisyon ng naturang batas ay pawang kinuha mula sa local government code.

(RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Pio Baguio)

Photo Credit to Jose Molintas file

Leave a Reply