Pinoy boxer Johnriel Casimero nasungkit ang WBO World Bantamweight Division

Pinoy boxer Johnriel Casimero nasungkit ang WBO World Bantamweight Division

by Powered by DWIZ
31 views

Nasungkit ng Pinoy boxer na si Johnriel Casimero ang titulo para sa WBO Bantamweight World championship.

Ito’y makaraang pabagsakin ni Casimero via knockout ang kalaban nitong South African na si Zolani Tete sa ikatlong round.

Binigyan ng isang solid right hand ni Casimero si Tete sa bodega na siyang naging sanhi ng pagbagsak ng defending champion.

Dahil dito, naitala na ni Casimero ang kaniyang 29-4 na kartada kung saan 20 rito ay knockout.

0 comment

Related Posts