Lady Cat tumulak na pa Atlanta para koronahan ang susunod na Miss Universe

Lady Cat tumulak na pa Atlanta para koronahan ang susunod na Miss Universe

by Powered by DWIZ
15 views

Tumulak na patungong Atlanta, Georgia sa Amerika si 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Ito’y para daluhan ang coronation night ng 2019 Miss Universe pageant kung saan, kokoronahan na nito ang sinumang papalit sa kaniya.

Sa kaniyang Facebook post, pormal nang nagpaalam si Lady Cat sa New York na nagsilbi nitong tahanan bilang Miss Universe.

Ayon kay Cat, mamimiss niya ang New York na tinawag nitong isang malaking gubat gayundin ay kaniyang tahanan na rin.

 

0 comment

Related Posts