Pilipinas nagpaabot ng pakikiramay sa pagkamatay ni Kuwait’s Emir Sheikh Sabah

    0
    172

    Nakikiramay ang Pilipinas sa Kuwait matapos na sumakabilang buhay si Emir Sheikh Sabah Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah.

    Ayon kay DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., naiintindihan ng mga Pilipino ang pagluluksa ngayon ng Kuwait sa pagpanaw ng kanilang Emir.

    Una nang inanunsyo ng Agence France-Press ang pagpanaw ni Emir Sheikh Sabah nitong Setyembre 29 sa edad na 91 anyos.

    Gayunman hindi naman naglabas pa ng detalye kung ano ang ikinamatay nito.