Friday, May 3, 2024

Bilang ng mga pulis na positibo sa COVID-19 nadagdagan —PNP

- Advertisement -

Umakyat na sa 5,990 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pambansang pulisya.

Ito ay matapos na madagdagan pa ng 61 ang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa sakit.

Batay sa pinakahuling tala ng Philippine National Police (PNP), pumalo naman sa 4,784 ang mga pulis na gumaling sa COVID-19 matapos na makapagtala ng panibagong 75 pulis na nakarekober sa sakit.

Samantala, nanatili naman sa 13 ang bilang ng nasawi sa hanay ng pambansang pulisya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img