36.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Philippine Airlines tiniyak na masusunod ang kanilang flight schedules

- Advertisement -

Masusunod ang schedule ng lahat ng nakatakdang domestic at international flights ng Philippine Airlines (PAL).

Ito ang tiniyak ng PAL makaraang sunod-sunod na makatanggap ng mga katanungan mula sa publiko at kanilang mga mananakay.

Ayon sa PAL, normal ang lahat ng biyahe ng kanilang eroplano gayundin ang kanilang operasyon sa mga paliparan sa Manila, Cebu, Clark at Davao.

Dagdag ng airline company, ginagawa rin nila ang lahat para matiyak na makaaalis at makararating sa paroroonan ang kanilang mga mananakay kasabay ng kamakailang pagpapatupad ng dagdag na mga flights para sa kapakinabangan ng publiko.

Ang pahayag ng PAL ay kasunod na rin ng anunsiyo ng kanselasyon ng mga flights ng Cebu Pacific hanggang Mayo 10.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -